Actions

Work Header

Sa aking mundo

Summary:

Naging matagumpay si Klay sa pagdala kay Ibarra, Maria Clara at Fidel sa kanyang mundo. Saksihan natin ang kanilang paglalakbay sa mundong nababalot ng hiwaga (at polusyon).

Notes:

First ever au ko po ito even though madami na akong fandom na kinabibilangan sksksksks also take note lang na ginawa kong 1 week ang time interval between real world and book world meaning sa haba ng panahon na nasa loob ng libro si Klay, 1 week lang ang nakalipas. Ginawa ko iyon para maipasok ko yung tulong na ginawa ni Mr. Torres sa pamilya ni Klay. I hope magustuhan niyo itooo!

Chapter 1: Ang pagdating ng mga karakter sa mundo ni Klay

Chapter Text

"Hindi mo maaaring dalhin ang mga karakter ng nobela sa ating mundo, Ms. Infantes."

Ilang araw nang palipat lipat ng mapagtataguan sina Klay, Fidel, Maria Clara at Ibarra matapos ng nangyari sa loob ng simbahan. Nadakip si Ibarra habang pinaghuhuli naman si Fidel at ilan pang kalalakihan na may koneksyon kay Ibarra, habang si Klay ay nakatakas kasama ni Elias. Nagkaroon ng planong pagpapatakas kay Ibarra ang mga tulisanes na agad namang naisagawa habang si Klay naman ang nagpatakas kay Fidel at iba pang mga kasama nitong nakulong. Matapos makatakas ay nagtungo si Ibarra at Elias sa tahanan ni Maria Clara upang sana ay mamaalam, ngunit nagmatigas ang dalaga at sumama sa kanila. Naging matagumpay silang apat sa pagtakas at paglisan ng San Diego liban na laman na sila ay nakaranas ng kasawian, at ito ay ang kamatayan ni Elias. Nabaril ito ng mga guardia civil habang pinapatakas sakay ng bangka si Ibarra at Maria Clara. Ilang linggo na din ang lumipas mula nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay palipat lipat pa rin sila ng matataguan sapagkat batid nila kung gaano kainit ang mata ng mga autoridad sa kanila.

Nagkataon lamang na namimitas si Klay ng isasahpg sa lulutuin nila para sa hapunan nang makasalubong niya si Mr. Torres na tila hindi rin inaasahan ang pagkukrus ng kanilang landas. Hindi na siya nagdalawang isip at dali daling tinanong kung may posibilidad bang maisama niya sa kanilang mundo ang tatlong kaibigan. Kung may isang bagay man siyang ayaw mangyari, iyon ay ang mapahamak ang mga ito sa oras na siya ay lumisan na.

Ayaw niyang umalis sapagkat alam niya sa kanyang puso't isipan na kasawian lamang ang nag-aabang para sa mga ito.

"Tulad ng po ng sabi niyo, this is my version of Noli, maybe pwede ko silang dalhin sa mundo natin I mean may chances na madala ko sila sa atin? Mr. Torres imposibleng walang chance like kahit katiting lang." Nagkatinginan si Klay at Mr. Torres ng mga ilang segundo bago muling bumuntong hininga ang guro.

"Karakter lamang sila sa loob ng isang libro. Mga tinta. Mga imahinasyon. Gawa ni Dr. Jose Rizal." Bigla namang pumalakpak si Klay na dahilan upang siya ay samaan nito ng tingin.

"Hindi ho sila tinta lang Sir, tao sila, may buhay sila. Mga tao sila na may mga buhay at pangarap, nagkataon lang na sa ibang mundo sila napadpad."

"Bueno, sabihin nating madadala mo sila. Ano ang mangyayari sa Noli?"

"My point!!! Ang sabi niyo po doon sa simbahan ay version ko ito ng noli, so if this is my version of Noli, it means safe pa rin ang version of Noli ni Jose Rizal. Kumbaga, I have my own variant of characters and meron din siya. If dalhin ko sila, walang mangyayari kasi variant ko sila, variant sila ng version ko ng noli. Kaya sir, sige na, dalhin na natin sila please please please uh ano one month akong magiging student assistant mo as compensation ganorn oh diba hindi ka na lugi don!"

Patuloy lamang siyang tinitigan ng kanyang propesor na tila ba'y tinitimbang nito ang mga salitang isinambit ng dalaga. Lumipas ang ilang minuto at nagpakawala ng buntong hininga ang propesor.

Bueno, pumapayag ako, ngunit sa isang kondisyon.”

“Ano ho iyon?” Takang tanong ni Klay.

“Oras na makatawid sila, sa aking tahanan sila tutuloy. Tuturuan ko sila ng mga dapat nilang matutunan, at tutulong ka!” Sambit nito habang turo turo si Klay. “Kaya bukas, bago lumubog ang araw, kitain niyo ako dito ng iyong mga kaibigan. Mag-iingat kayo sapagkat alam kong tinutugis pa rin kayo.” Matapos nito ay dali dali nang naglakad papalayo ang propesor.

“OMG SIRRRRR THANK YOU TALAGA—AY WAIT SIR AY PUT—“ Akmang hahabulin niya pa sana ito nang siya ay napadausdod pababa dahilan upang magkagalos ang kanyang tuhod at braso. Dali dali niyang pinagpagan ang sarili at inilibot ang paningin.

“Wala na si Mr. Torres, saan na naman kaya napadpad ‘yon? Ay anyways atleast na-convince ko siya na dalhin yung tatlo sa amin! Hindi ko man sila mabigyan ng ligtas at safe na buhay dito, atleast doon pwede kong i-try. Well pangmalakasang culture shock nga lang aabutin nila pero whatevs!”


“Ako ay nag-aalala na, mahal ko. Kanina pa umalis si tocaya ngunit tingnan mo, magdidilim na at wala pa rin siya. Nahuli na ba siya ng mga guardia civil?” Nag-aalalang tanong ni Maria Clara sa kanyang nobyo habang patuloy itong kumakapit sa kanyang braso.

“Kahit ako rin amigo ay nag-aalala na dahil baka napaano na ang aking binibini. Kilala natin siya bilang mabangis na babae, ano ang maaring mangyari sa mga sandaling wala tayo sa kanyang piling lalo na’t napakatalim pa naman ng kanyang dila? Kanina pa tayo naghinintay at ako'y hindi na mapakali, hahanapin ko na ang aking binibini.” Akmang aalis na siya nang higitin ni Maria Clara ang kanyang braso.

Por favor Fidel ako ay isama mo, nag-aalala ako sa aking katukaya. Marami na akong isinuko upang matamasa ang katiting na kalayaang natatamasa ko ngayon, hindi ako makapapayag na si Klay ang maging kabayaran nito, ang aking mi amiga, mi hermana, at mi tocaya.” Nagkatitigan naman si Fidel at Crisostomo at tila ba nagkapalit ang kanilang tungkulin sa grupong ito.

Si Fidel, ang rasyunal at kalmado sa kanilang apat, ay nagiging padalos dalos dahil kay Klay.

Si Ibarra, ang madalas madala ng kanyang mga emosyon, ang siyang nagiging boses ng karunungan sa mga oras na ito.

“Na aking ipinupunto, Maria Clara. Nakikita mo na amigo? Hanapin na natin si Binibining Klay upang masiguro na siya ay—“

“I’M BACK WITH A GREAT GREAT NEWSSSSSSS!!!” Napatingin silang tatlo sa pintuan ng kubo na kanilang pinagtataguan.

Lingid sa kaalam ni Klay ay nakikita nila ang maduming mukha nito at mga galos sa braso, ngunit ito sa kabila ng kanyang itsura ay may gana pa itong ngumiti sa kanila na para bang napakaganda ng balitang dala niya.

Dios mio Klay! Anong nangyari? Bakit may mga galos ang iyong braso—at tingnan mo ang iyong sarili! Ikaw ay nababalot ng dumi! Ano ang nangyari? Ikaw ba ay nahuli?” Alalang ala si Maria Clara dahil sa estado ng kanyang mukha.

“Ha? Ahh ‘yan ba, nadulas kasi ako nung sinusubukan ko habulin si Mr. Torres kaso kalahi ata non si The Flash kasi biglang nawala. Juice colored dami ko pang questions kinemberlu pero ocakes na ang lahat! Madadala ko kayo sa amin!” Nagpatalon talon naman ito na tila ba isang bata, hindi mo maipagkakaila ang labis na kasiyahang lumalabas sa kanyang mukha.

“Mr. Torres?”

“D-dyus k-kolord? Ki.. nemberlu? O-okeyks?” Tiningnan naman ni Maria Clara si Crisostomo na para bang nanghihingi ito ng mga sagot ngunit isang naguguluhang ekspresyon lamang ang ibinigay nito sa kanya.

“Madala sa inyo? Lo siento Ms. Klay ngunit ano ang iyong nais ipahiwatig? Na maaring magtago tayo sa inyong lugar?”

“Korek! Nakausap ko si Mr. Torres kanina at somehow, nakumbinsi ko siya na dalhin kayong tatlo sa lugar namin. Bongga diba?”

“Sa Bulacan? Ngunit tukaya batid mo na tayo ay tinutugis, paano tayo magiging ligtas sa Bulacan?”

“Ahh basta basta! Bukas, bago lumubog ang araw, kailangan natin kitain si Mr. Torres kasi ano I guess may portal doon? Ahh yes tama! So magluto na tayo para makakain at maagang makapagpahinga para maaga din tayong makalarga bukas!”


“Malayo pa ba tayo, aking binibini?”

“Alam mo isang reklamo mo pa papatumba na kita, tingnan mo nga si katukaya, hindi nagrereklamo!”

Ilang oras na rin silang naglalakad patungo sa kung saan huling nagkita si Klay at ang kanyang propesor. Dahil nga na sila ay tinutugis pa, may mga pagkakataon na humihinto sila upang magtago at upang uminom ng tubig para maitawid ang uhaw na kanilang nararamdaman. Hindi na makapaghintay si Klay sa mga maaring mangyari oras na makatawid na silang apat sa kanyang mundo. Marami rami siyang ituturo sa kanila lalo na pagdating sa kasuotan na talaga namang pinapahalagahan sa panahong ito. Iniisip pa lamang niya na makikita siya ng mga ito suot ang komportable niyang shorts ay nababalot na siya ng hiya. Ilang minuto din ang lumipas nang matanaw nila ang lugar na napagkasunduan at sa di kalayuan ay may natanaw silang matandang lalaki na nakatayo katabi ng isang puno. Natanawan sila nito at sinenyasan na bilisan ang kanilang kilos.

“Sir! As I’ve promised, andito na ho yung tatlo. Gorabels na po ba?” Matapos magtanong ni Klay ay saktong lumitaw ang portal sa kanilang harap. Rinig na rinig niya ang pagkagulat at gimbal ng mga kasama maliban na lamang kay Fidel, ang bukod tanging nakinig at naniwala sa kanya kahit na imposibleng mangyari ang mga sinasabi niya.

“Sir, senyorita, tanda niyo pa po ba noong sinabi ko na hindi ako dito nabibilang kundi sa ibang mundo? Totoo po ang lahat ng iyon at si Mr. Torres ho yung nagdala sa akin dito, and yung bagay po sa harap natin, pintuan ‘yan papunta sa mundo namin, at dadalhin naming kayo doon.” Dahan dahan siyang lumapit sa magkasintahan at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nla bago ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi ko po kayo mabibigyan ng happy ending dito, pero sa mundo namin, may chance. Marami nga lang kayong dapat matutunan since magkaibang magkaiba ang mundong ito at mundo naming. Sa mundo namin, magagawa niyo ni Sir Ibarra yung mga bagay na gusto niyo like holding hands or dates ganon, walang pipigil sa inyo, ang catch nga lang ay hindi kayo sa amin titira kundi kay Sir which is pabor din sakin kasi sigurado ako hindi magiging timpla niyo kay Tito Ronald.” Pinilit niyang tumawa upang mawala ang kirot ng tono mula sa kanyang boses, ngunit sa hindi inaasahan, nakaramdam siya ng dalawang pagpisil ng kamay niya na para bang nais nila itong pakalmahin.

“Tunay ka ngang mabuti at tapat na kaibigan. Lo siento, Miss Klay, kung akin kang napagkamalang baliw.”

“Na siyang inakala ko rin at nais kang ipadala sa hospicio.”

“Hindi ka lang baliw kundi bruha, aking binibini.” Hinarap silang tatlo ni Klay at agad na inilagay ang mga kamay niya sa kanyang bewang.

“Ay ang gagaling, ginanon ba naman ako? What if huwag ko na kayo dalhin sa amin? Ay nako tara na gorabels na! Baka mawala pa tong portal. Pasok lang kayo at hintayin kaming makapasok lahat.” Nagkatinginan pa ang tatlo bago muling tumingin bago sila ningitian ni Klay na para bang sinasabi nito na magiging ayos ang lahat. Itinuwid ni Maria Clara ang kanyang sarili at pinisil muli ang kamay ni Klay bago lingunin si Ibarra.

“Sabay na tayong pumasok, mahal ko.” Nakangiti at nangingilid ang luha nito. “Hindi man natin makuha kuha ang simple at masayang buhay na nais natin dito, maaaring sa mundo ni Klay ay matamasa natin ito. Maari akong makapagturo, o di kaya ay makatulong sa mga nangangailangan. Marami tayong bagay na maaring subukan mi amor, mga bagay na tila ipinagkakait sa atin ng ating mundo.” Tuluyan nang tumangis si Maria Clara habang isinasaip niya ang buhay na maari nilang matamasa ni Crisostomo sa oras na sila ay mapunta sa mundo ng kanyang katukaya.

Agad naming pinunasan ni Crisostomo ang kanyang luha at hinalikan siya sa noo. Ibinitaw nila ang kanilang mga kamay na kapwa nakakapit sa kamay ni Klay at ipinagdugtong ang kanila. “Sa isang masayang buhay, mi amor.” Dahan dahan silang naglakad papasok at ilang segundo lang ay nakatawid na sila.

Hindi mapigilan ni Klay na maiyak para sa mga kaibigan. Batid niyang tunay at malalim ang pagmamahalan ng dalawa, ngunit dahil masalimuot ang mundo kung saan sila nabuhay, hindi nila magawang maging masaya. Alam niya na walang ibang hangad ang dalawa kundi makasama ang isa’t isa habambuhay, kaya’t laking pasasalamat niya na mabibigay niya ang pagkakataong ito para sa kanila.

“Paano ba iyan, aking binibini, tila nauna na ang magkasintahan sa inyong mundo.” Nilingon niya ito at nakita ang malawak na ngiti sa mukha nito. “Bueno, ako ay tatawid na rin. Magkita na lamang tayo mamaya, aking binibini.” Kumindat pa ito bago tumawid ng portal.

“Aba mokong na ‘yon kumindat pa!”

“Miss Infantes.” Nilingon naman nito ang kanyang propesor at nakita ang isang malaking ngiti na nakaukit sa mga mukha nito. “Ibang iba ka na sa Maria Clara Infantes na nakilala ko.” Ngumiti siya bago dahan dahan na naglakad papasok ng portal.

“Maraming salamat po, Sir.” Bumuntong hininga muna siya bago inihakbang ang isa pa niyang paa papasok ng portal. “Super worth it po.”


Por favor amigo, huwag mong gagalawin iyan at baka kung ano pa ang mangyari sa atin!”

“Makinig ka kay Fidel, mi amor! Hindi natin alam kung ano ang bagay na iyan!”

“Ngunit hindi ba ito nakakamangha? Tingnan niyo na lamang kung paano ito nag-iiba ng kulay ng ilaw! Isa ba itong uri ng salamanca?” Naririnig ni Klay ang pagtatalo ng mga kaibigan sa di kalayuan. Kung kanya itong susuriin, nasa living room sila ng isang malaking bahay na palagay niya ay pagmamay-ari ni Mr. Torres.

Dali dali siyang lumapit sa mga ito at masayang ningitian ang mga ito.

Welcome home to me, welcome to my world.