Chapter Text
Itong mensahe ay isang paumanhin,
Sa mga pamilyang 'di na makikita muli.
O napakadakila kong kuya na lumaban.
Sa mga pagsubok na di dapat ibinigay sa kanya.
Pasensiya na 'di namin nakita ang mga palatandaan,
Na nasa mukha na namin, malinaw at makikita.
Kamusta na, aking Tiya. Bakit ikaw ang nauna?
Ikaw na lamang ang hindi ko pa nakikilala,
Gusto ko sanang makita at maranasan ang iyong kagandahan,
Ngunit, ikaw ay pumunta na sa kalangitan.
Kahit di ko na maalala ang iyong mukha,
Gusto ko lang ipaalala sa iyo,
Na mahal na mahal ka parin ng iyong pamilya,
At pasensya na, na nakita niyong Tatlo
ang aming gulo.
