Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 33 of WCO Replays of Yesterdays
Stats:
Published:
2025-09-28
Words:
1,765
Chapters:
1/1
Kudos:
1
Hits:
36

Replays of Yesterday

Summary:

Baba's Replays of Yesterday

Work Text:

Baba's POV

Hinihingal na sinandal ko ang katawan ko sa konkretong pader habang ang isa kong kamay ay mahigpit na nakahawak sa maliitna climbing holds na nasa harapan ko. Ang isa naman ay winisik-wisik ko dahil kanina pa ako ngalay na ngalay.

“Baba sa kanan mo!”

I bite hard on the heel of the knife that I put between my teeth and throw my body sideways when I heard My's voice. Siniguro kong nakahanda na ang kanan kong kamay para humawak sa mga batong nakakabit sa pader para magawa kong i-angat ang sarili ko.

“Woo! Go, Rio! I love you! You’re the best!”

Hindi ko na kailangang lingunin pa ang nagsalita para malaman kung sino iyon. Wala namang iba na number one fan si Kuya Rio kundi si Ate Aiy lang na ngayon ay naghihihiyaw na sa baba para lang i-cheer si Kuya.

“Ate Aiy. Si Baba ang i-cheer mo. Team girls remember?” narinig kong saway sa kaniya ni My na siyang tagabigay sa akin ng direksyon sa ginagawa ko.

“Woo! Go, Baba! Kuya niyo ‘yan!”

“Ate!”

“Woo! I love you everyone!”

Napapailing na tinukod ko ang tuhod ko sa pader bago ko itinulak ang sarili ko pataas. Kasabay no’n ay kinuha ko ang kutsilyo na nakaipit sa bibig ko at pagkatapos ay pinutol ko ang nakausling tali na may nakakabit na plastic sa dulo. Hindi ko pinansin iyon ng mahulog dahil alam ko namang sasaluhin na iyon ng mga kasamahan ko sa baba. Nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat habang inaantay ang ilalawit na tali ni Loki at Tal na siyang nasa tas ng pader.

Who would have thought that climbing a wall would be this hard? Bilang assailants at agents sanay kami sa mga activities kung saan kailangan naming akyatin ang mga matataas na lugar. Iyon nga lang ay may tulong iyon ng mga gadgets na gawa ng Experiment Department. Wala kaming gano’n ngayon.

It could be manageable if we just need to climb the wall. Pero dahil likas na pahirap si Ate Light sa buhay namin ay binigyan niya kami ng challenge, hindi namin goal ang makaakyat sa tuktok ng mabilis kundi paramihan sa mapuputol na tali na may nakakabit na piece ng puzzle na bubuuin ng mga kasamahan namin sa baba. Dahil don’ ay kailangan manatili ng mga representative sa pader hanggang hindi nakukuha ang limang puzzle pieces. Kapag nakuha na ang lima ay papalit naman ang susunod na representative. Paulit-ulit iyon hanggang sa mabuo ang puzzle na siyang may nakasulat na tanong na sasagutin ng team.

Isa pang catch ng palaro ni Ate Light ay wala kaming harness o tali man lang. We’re not just climbing but we’re also bouldering. Tanging malaking inflatable landing mat na may net sa mga gilid ang nasa ibaba na siyang sasalo sa amin kung sakaling mahuhulog kami.

Kuya Rio and I are the last players. Ako ang panglima na nabunot sa team namin habang sa team naman ng mga lalaki ay si Slinger ang nakuha kanina. Thankfully, Kuya Rio stepped in to do it for him. Masyado kasing strenuous ang activity na ito para kay Slinger.
“Damn it, Loki! Put it down!” asik ni Kuya.

Nilingon ko siya at napangisi ako nang makita ko na hindi pa nakukuha ang pang-apat na puzzle piece. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakangising ibinaba ni Loki ang tali at sumaludo pa kay Kuya. Lahat kasi iyon ay iba-iba ang sukat at dsitansya. Depende sa kung anong na-tripan ni Ate Light ng ayusin niya iyon. Hindi rin madali para kay Loki at Tal na maibaba ang mga tali dahil binuhol-buhol iyon na kailangan nilang kalagin para mailaglag sa direksyon namin.

“Ready, Tal?” tawag pansin ko sa babae.

“Almost there!”

“Loki!” sigaw ulit ni Kuya sa pambansang Crackhead slash Hari ng kakulitan na si Loki. “If you won't hurry up, I'll make sure everyone knows who your crush is.” Kasabay ng linyang yun ni Kuya ay bigla nalang bumilis ang galaw ni Loki kaya nilingon ko si Tal.

“Tal hurry up!”

Napapitlag ang babae at pagkatapos ay nagmamadali na siyang kumilos. Hinanda ko ang sarili ko at bahagyang umakyat pa ako para masigurong maabot ko kung saan man niya ibabagsak ang tali. But to my dismay, the string is situated in the end on my far right. Ramdam man ang pagod sa buong katawan ay pinilit kong lumipat pakanan para magawa kong maabot iyon.

Butil-butil na ang pawis ko habang pinipilit kong itutok ang buong focus ko sa ginagawa. I can feel my fingers digging on the climb holds, my legs straining, and my arms tight with tension as I moved to my right. Dahil bahagyang nakaumbok ang parte na iyon ay mas lalong nagpahirap iyon para magawa kong makalipat.
Three things happened when I was finally on the perfect distance. Inalis ko ang kutsilyo sa pagkakaipit no’n sa mga ngipin ko at pinutol ko ang tali sa pamamagitan ng paghagis non pakanan kung saan naputol ang tali habang ang kutsilyo ko ay bumagsak sa malayong lokasyon, I heard the screaming of my teammates, and third I felt my hand slipped from its hold.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong mahulog habang hinahanda ko ang katawan ko a magiging bagsak no’n. A loud thud rung around us the moment my back touched the inflatable mat but before I can even open my eyes, I felt the mat lean towards my right side and then my body started to fall sideways.

Iminulat ko ang mga mata ko at sa pagkagulat ko ay nakita ko ro’n si Grenache na kasalukuyang tinutukuran ang net para magawa kong makababa. Kaagad niya akong sinalo at inalalayang tumayo bago pa ako bumagsak sa lupa.

“You gave me a fright.” He whispered quickly.

“What-“

“Kuya! No befriending the enemy! Let's go!”

Tumingin siya sa likod ko kung saan tinatawag na siya ni Psion. Nagbaba siya ng mga mata sa akin at tinanguhan ko siya at pagkatapos ay mabilis na niyang pinuntahan ang mga ka-team niya habang ako ay tumakbo na sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko.
Natagpuan ko silang tutok na tutok ang atensyon sa binubuong puzzle habang nagkakagulo para magawang iayos kaagad iyon. Ganon din sa gawi ng men’s division na malapit na rin matapos sa ginagawa kahit na mas nauna akong nakababa kesa kay Kuya. Base sa natatanaw ko ay mukhang lahat sila nakapalibot sa pigura ng nasisiguro kong si Gage.

“We’re done, we’re done, we’re done!” Tal exclaimed while showing us the piece. Lahat kami ay nakibasa do’n at sabay-sabay din kaming napakunot-noo sa nakita roon.

“Ano raw?” naguguluhang tanong ni Bal.

“A rival of the first person to resist a colonization in the country.” Dahan-dahang basa ni Bal. Nang mukhang hindi niya rin alam ang sagot ay kinalabit niya si My na nakaupo lang sa lamesa habang nakatingin sa ginagawa namin. “Alam mo ba yan? You often read books dapat mas fresh pa sa’yo yan.”

“I have no idea. I don’t read books about colonization or history.” Sabi niya at itinaas ang hawak niyang libro na may “Fundamentals of Marketing” pang nakalagay. “And I hate history.”

Napapakamot sa ulo na lumingon ako sa gawi ng boys at napansin kong nangangamote rin sila sa nabasa. Nagtama pa ang mga mata namin ni Grenache na nagkibit-balikat na parang sinasabing wala siyang ideya sa kung anong nakasulat ro’n.

“Oh my world! Bakit walang wifi signal!?!” palahaw ni Loki. “Paano ko masasagot ang chat ng crush ko?”
“Not the priority, Loki!” asik ni Luthor sa lalaki.

“Anong akala mo sa akin hindi marunong magmulti-task? Magse-search sana ako para sa sagot kaso walang wifi!”

Napatakip ako sa tenga ko nang pumailanlang sa paligid ang malakas na pagpito. Gano’n din ang reaksyon ng iba naming kasamahan maliban nalang kay Ate Light na kalmado lang habang katabi niya si Hades na siyang gumawa ng ingay na ‘yon.

Opposite ng reaksyon ni Loki na ngayon ay mukhang malapit ng umiyak habang tinataktak ang tenga niya.

“Clue one. Ang pangalan ng unang tao na lumaban sa colonization ay may katulad na pangalan ng isda kung saan salitang inuulit ito.

“Maya-maya!” sigaw ni Loki.

“Lapu-lapu!” sigaw naman ni Bal.

Nagtagisan ng tingin ang dalawa na para bang handa nilang ipaglaban ng patayan ang mga sagot nila. Kahit alam naman na ng lahat ang tamang sagot.

‘Seriously. Sinong tao sa history ang may pangalan na Maya-Maya?’

“Lapu-lapu is right.” Ate Light said with a nod. “Pero sino ang rival niya na isa sa mga unang indigenous na nagconvert sa Catholism?”

“Haring Umambon!” sigaw ni Gage na tinapik pa ang dibdib niya at mayabang na tumuro sa amin. “Ano laban?”

“Ignorance myghas! Hindi “umambon” ‘yon! Saka hindi hari ‘yon.” Singit ni Loki. “Raja Rumambo ‘yon! Palaban gano’n!”

Nagkatinginan kami ng mga babae dahil parang binigay na rin nila sa amin ang mga sagot nila dahil sa mga pinagsasabi nila. Halos sabay-sabay kaming napangiti bago lahat kami ay isinigaw ang sagot.

“Rajah Humabon!”

The shrill sound of the whistle amplified through a megaphone boomed around us again before Ate Light raised her hand towards our direction.

“Correct!”

Napuno ng hiyawan ng women’s division ang lugar habang ang mga lalaki ay napaupo na lang sa buhanginan maliban kay Grenache na napapangiti sa gawi namin, Kay Kuya Rio na inihilamos ang kamay sa mukha, kay Luthor na nailing nalang habang pigil ang ngiti, at kay Slinger na kasalukuyang nililibing si Loki gamit ang buhangin na ibinubuhos niya sa nakadapang lalaki.

“Boys, as punishment you will cook dinner for everyone.”

Tila nabuhayan si Slinger na kaagad na lumayo sa nakadapa pa ring si Loki habang pinapagpag ang damit niya. “I can do that! May bahay ba dito na pwedeng paglutuan? Nasaan?”

Andito kasi kami sa isang private island na pag-aari ng mga magulang ng mga magulang namin. And it’s an outside camping kaya ang ibig sabihin ay sa tent kaming lahat matutulog. Light and Ate Light planned a mini-vacation slash breather for us since holidays naman daw kaya kami andito ngayon, well maliban na lang sa mga assailants on mission kagaya ni Sun na nasa Ilocos ng tinawagan namin kanina.
As for Slinger's question, sumilay ang ngiti sa mga labi ni Ate Light at nakita kong yumuko si Hades na pilit tinatago ang ngiti.

For some that might be a miracle since their smiles are rare. But for us who know them better, alam naming may kaakibat ang mga ngiting yan. Mukhang hindi naman naikubli yun kay Slinger na biglang nanlaki ang mga mata.

“Wait, wait. Don’t tell me….”

And yes, the men’s division ended up grilling fishes for dinner.

Series this work belongs to: